Bilang ng mga naghihirap sa mundo madaragdagan ng 100 milyon kapag hindi natugunan ang climate change
Dadami ang maysakit, masasalanta ang mga pananim at madaragdagan ng 100 milyon pa ang mga naghihirap sa buong mundo kapag hindi natugunan ang climate change.
Ito ang babala ng World Bank sa kanilang inilabas na report na may titulong Shock Waves: Managing the Impacts of Climate Change on Poverty”.
Ayon sa World Bank, dahil sa climate change, naaapektuhan ang efforts na ginagawa ng mga bansa para maibsan ang kahirapan. “Without rapid, inclusive and climate-smart development, together with emissions-reductions efforts that protect the poor, there could be more than 100 million additional people in poverty by 2030,” ayon sa report ng World Bank.
Kabilang sa mga epekto ng climate change na nararanasan na sa maraming bansa ang heat waves, tagtuyot at pagbaha.
Ang mga mahihirap umano ang pinakalantad sa climate-related shocks.
Sa forecasts ng World Bank, sa taong 2030, maaring umabot sa 5% ang masirang pananim sa buong mundo dahil saepekto ng climate change, at sa 2080 ay maari itong tumaas sa 20130.
Aabot naman sa 150 million na katao ang lantad sa mga sakit gaya ng malaria at diarrhea.
Habang sa Africa, sa taong 2030 ay posibleng tumaas sa 12% ang presyo ng mga pagkain. “Poor people spend a larger share of their budget on food than the rest of the population,” ayon sa report.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.