8 patay, 2 sugatan sa magkakahiwalay na operasyon sa Laguna
Walo ang patay at dalawa ang sugatan sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa sa lalawigan ng Laguna sa nakalipas na magdamag.
Sa bayan ng Bay, nauwi sa engkwentro ang buy-bust na ikinasa ng mga pulis sa Barangay Dila, alas 3:00 ng madaling araw.
Nasawi sa matapos manlaban sa mga pulis ang suspek na si alyas Toothpick habang ang kasama nito na si Isagani Rivera ay nakatakas sakay ng motorsiklo.
Sa Biñan City naman, sugatan ang drug suspect na si Leo Strell sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis.
Pinaputukan ni Strell ng apat na beses ang isang pulis na hindi naman nasaktan dahil nakasuot ito ng bullet proof vest.
Sa Los Baños naman, isang lalaki na kinilalang alyas Noli ang nasawi sa buy-bust operation, ala 1:00 ng madaling araw.
Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu at isang revolver.
Sa San Pablo City, patay ang dalawang drug suspects na kinilalang sina Leonardo Perez at Harry Kris Landicho sa magkahiwalay na operasyon. Nakuhanan din ng ilegal na droga ang dalawa.
Sa bayan naman ng Nagcarlan, patay ang isang alyas Irilo at isang hindi pa nakikilalang kasamahan niya nang manlaban sila sa mga pulis na nagkasa ng buy-bust sa Barnagay Yucos.
Nasugatan sa nasabing operasyon ang undercover na pulis na si PO3 Danny Piol matapos tamaan ng bala ng baril sa kanang hita.
Sa Calamba City naman, nasawi ang suspek na si Resel Ortega nang manlaban ito sa mga pulis sa Barangay Turbina.
Habang sa Cabuyao City, isang hindi pa nakilalang lalaki ang nasawi sa Barangay Banlic.
Namataan ng mga barangay tanod ang nasabing suspek na nagpapaikot-ikot sa lugar sakay ng motorsiklo kaya humingi sila ng tulong sa mga pulis.
Nang parahin ng mga pulis para sitahin ay pinaputukan sila nito dahilan para gumanti sila ng putok na ikinasawi ng suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.