Ekonomiya ng bansa lumago sa 6.1 percent sa 3rd quarter ng taon
Lumago sa 6.1 percent ang ekonomiya ng bansa sa iaktlong quarter ng taon.
Pero ang naitalang 6.1 percent na gross domestic product (GDP) growth rate sa 3rd quarter ng taon ay bahagyang mas mababa kumpara sa 6.2 percent na naitala noong 2nd quarter.
Malaki naman ang ibinaba nito kung ikukumpara sa 3rd quarter GDP growth rate noong 2017 na umabot sa 7 ercent.
Una nang tinarget ng pamahalaan na mapagtala ng full-year GDO growth na 6.4 hanggang 6.9 percent ngayong 2018.
Mas mababa na ito kumpara sa naunang target na 7 to 8 percent.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.