Insidente ng sexual harassment sa Miss Earth ibinunyag ni Miss Earth Canada

By Dona Dominguez-Cargullo November 08, 2018 - 10:28 AM

Gamit ang kaniyang Instagram Account ibinunyag ni Miss Earth Canada Jaime Vandeberg ang naranasan umano niyang sexual harassment sa kasagsagan ng Miss Earth pageant na ginanap kamakailan sa Pilipinas.

Hindi tinapos ng 21-anyos na kandidata ang pageant at nagdesisyong umalis na lang agad dahil aniya, hindi niya nararamadaman na siya ay ligtas habang nasa pangangalaga ng organizer.

Kwento ni Miss Earth Canada, isa lang sa insidente ay ang pagbibigay ng kaniyang cellphone number sa isa umanong “sponsor” ng wala niyang pahintulot.

Hindi pinangalanan ni Vendeberg ang naturang sponsor na aniya ay ilang beses siyang tinawagan para hingin ang kaniyang hotel at room number.

Ilang ulit umano niyang nakita ang nasabing ‘sponsor’ at may pagkakataon na sinabihan siya nito na kaya siyang alagaan at palusutin sa pageant kapalit ng ‘sexual favors’.

Kwento pa ng kandidata, sa isang event sa Manila Yacht Club, isinakay ng naturang sponsor sa kaniyang yate ang mga kandidata na kaniyang ka-grupo at saka kinuhanan ng sexy photos ang mga babae.

Sa isa pang event na ginanap din sa Manila Yacht Club, sinabihan umano ng sponsor ang mga kandidata na kaya niyang dalhin ng Boracay ang mga ito basta’t wag nilang ipagsasabi.

Ayon kay Miss Earth Canada, siya at ilan sa grupo ay umupo na lang sa labas dahil hindi sila komportable sa nangyayari.

Sinundan pa umano sila ng sponsor sa labas at tinanong kung bakit ayaw nilang makisayaw sa kaniya.

Kwento pa ng kandidato, ibinahagi niya ang karanasan sa organizers pero sinabihan siya ng mga ito na mahalagang maging palakaibigan sila sa sponsors.

Ayon pa kay Vendeberg, kinumpiska ng Miss Earth Organization anf kanyiang pasaporte sa unang araw pa lang ng event kaya hindi siya agad nakaalis.

TAGS: Miss Earth, Miss Earth Canada, Miss Earth, Miss Earth Canada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.