Mga korap na opisyal pwedeng sampalin ng mga negosyante sa harap ni Duterte
Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyante sa bansa ng pagkakataon na sampalin sa kanyang harapan ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Sa talumpati ng pangulo sa launching ng isang Chinese automobile company sa Pasig, hinimok ni Duterte ang mga negosyante na isumbong sa kanya ang mga tiwaling opisyal.
“If you have something against anybody from government… go to me I will contact you and I will call the person you are complaining against and the three of us will talk,” ani Duterte.
Kapag napatunayan anya na tiwali nga ang mga ito ay may pribilehiyo ang mga negosyante na pagsasampalin ang mga ito sa harap mismo ng pangulo.
“And I assure you that if it is indeed something which amounts to corruption or graft, I’ll give you the privilege of slapping that person a dozen times in front of me,” dagdag ng pangulo.
Ayon kay Duterte, sa ganitong paraan ay mapapahiya at mawawalan ng dignidad ang mga tiwali na hindi naman kinakailangan sa gobyerno.
“And those are the right remedies for an idiot who is not needed in the government. Humiliation and maybe a loss of face is more than just the money,” giit ng pangulo.
Samantala, tiniyak naman ng presidente na ginagawa ng administrasyon ang lahat para mapaganda ang sektor ng pamumuhunan sa bansa.
Patuloy anya na ibibigay ng gobyerno ang kinakailangang tulong ng mga foreign at local investors para sa ikakatagumpay ng kanilang mga negosyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.