2-year-old baby patay dahil sa HIV/AIDS sa Zamboanga City
Patay ang isang dalawang taong gulang na bata dahil sa Human Immunodeficiency Virus-Acquired Immunodeficiency Syndrome (HIV/AIDS) sa Zamboanga City.
Nakuha ng bata ang virus mula sa isa sa kanyang mga magulang.
Dahil dito, naalarma ang local health officials sa lungsod dahil nangangahulugang hindi na lamang sa tipikal na sexual transmission nakukuha ang sakit kundi nakakaapekto na rin ito sa general population.
“It is alarming because it means that HIV/AIDS is no longer in a typical sexual transmission mode but has already affected the general population,” ani Assistant City health officer Dr. Kibtiya Uddin.
Ayon kay Uddin, ang ibig sabihin ng pagiging apektado ng ‘general population’ ay apektado na ang lahat ng bahagi ng populasyon anuman ang kasarian at edad,
Gayunman, iginiit naman ng doktor na 99 percent pa rin ng sanhi ng HIV/AIDS ay dahil sa sexual transmission.
Sa ngayon ayon sa City health office, mayroong dalawang buntis sa lungsod ang tinuturing na na persons living with HIV/AIDS at may dalawa pang bata edad anim at pitong taon din ang infected.
Mula 1995, umabot na sa 433 kaso ng HIV/AIDS ang naitala sa Zamboanga City kung saan 69 na ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.