3 milyong pangalan, aalisin na sa voters list ng Comelec

By Jay Dones November 09, 2015 - 04:26 AM

 

comelec pilaIpinag-utos na ng Commission on Elections ang pag-alis sa listahan ng 3 milyong mga lehitimong botante na nabigong magpakuha ng kanilang biometrics data.

Magsasagawa na ng serye ng mga pagdinig ang Election Registration Board o ERB upang pakinggan ang anumang objection sa gagawing ito ng komisyon sa November 16.

Ipinag-utos na rin ng Comelec sa mga local election officer na ipaskil sa kani-kanilang tanggapan ang listahan ng mga pangalang nabigong makapagpa-biometrics at ang nga maaalis sa voters list.

Sa ilalim ng Mandatory Biometrics Registration Act of 2013, isinasaad na sinumang botante na mabibigong makapagpa-biometrics bago ang May 2016 elections ay maalis ang pangalan sa listahan ng mga lehitimong botante.

Sakaling mangyari ito, hindi makakaboto ang naturang indibidwal sa nalalapit na eleksyon.

Matatandaang tinapos na ng Comelec ang registration ng mga botante noong nakalipas na October 31.

Wala na ring extension na ibinigay ang Comelec matapos ang isang taong palugit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.