CHR iniimbestigahan ang mandatory pregnancy test sa mga mag-aaral sa isang eskwelahan sa Baguio

By Dona Dominguez-Cargullo November 07, 2018 - 06:27 AM

Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang ipinatutupad na polisiya ng isang eskwelahan sa Baguio City sa kanilang mga babaeng estudyante na sumailalim sa pregnancy test.

Sinabi ni Atty. Jacqueline de Guia, tagapagsalita ng CHR, sisiyasatin ng CHR ang nasabing kautusan ng Pines City Colleges.

HIndi aniya dapat mapagkaitan ng karapatan ang mga kababaihan na makapag-aral nang dahil sa pagiging buntis.

Nag-viral kahapon sa Facebook ang kopya ng memorandum ng paaralan kung saan nakasaad ang pagpapatupad ng mandatory pregnancy test.

Isa ring dokumento mula sa paaralan ang nagsasabing ang mga buntis na estudyante ay hindi pwedeng mag-enroll sa mga kursong Clinical Dentistry, Roentgenology, Anesthesiology, at Endodontics.

Sinabi ng CHR na labag sa Magna Carta for Women ang hindi pagtanggap sa eskwelahan sa mga estudyanteng buntis.

TAGS: baguio city, CHR, mandatory pregnancy test, pines city colleges, baguio city, CHR, mandatory pregnancy test, pines city colleges

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.