Mga pulis na papatay sa ‘ninja cop’ na boss, bibigyan ng ‘Trip to Hongkong’ ni Duterte

By Rhommel Balasbas November 07, 2018 - 04:37 AM

May reward na ‘Trip to Hong Kong’ mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na makakapatay sa kanilang mga boss na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga.

“That’s right. I’m going to reward that policeman, any policeman who will kill his superior because the superior is into drugs. I will give you a prize and a trip to Hong Kong,” ani Duterte.

Sa naganap na lecture sa gabinete sa Malacañang tungkol sa iligal na droga, muling nagbabala ang pangulo na papatayin ang sinumang pulis na masasangkot sa bawal na gamot.

“Eh mga police ‘yan karamihan mga g—. P—ina kayo. Puro nasa droga rin… T— ina mga pulis ‘yan, papatayin ko talaga kayo. Do not give me that human rights,” dagdag ng presidente.

Ang pahayag na ito ni Duterte ay matapos mapatay sa isang shootout si Supt. Santiago Ylanan Rapiz, hepe ng logistics branch ng Zamboanga del Norte Police na nagtangkang tumakas sa kasagsagan ng drug raid.

Sinasabing nagrerecycle si Rapiz ng mga iligal na droga na nakukumpiska sa mga drug operations.

Iginiit ni Pangulong Duterte na sobrang malala na ang problema sa droga ng Pilipinas dahil maging mga pulis, alkalde at mga kapitan ng baranggay ay sangkot dito.

Isa na anya itong isyu ng national security kaya’t hinikayat ng presidente ang militar na tulungan ang pulisya sa pagtugon sa problema sa droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.