Mababakanteng assosicate justice position, pag-aagawan ng 20 aplikante
Nasa 20 mga aplikante ang sasalain ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa posisyon ng dalawang associate justice.
Ito ay kapag nagretiro na sa susunod na taon si Associate Justice Noel Tijam dahil maaabot na nito ang mandatory retirement age na 70 sa Enero.
Habang ang isa pang AJ position ay ang binakante ni dating Associate Justice at ngayo’y Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro.
Ayon kay JBC ex-officio member Justice Secretary Menardo Guevarra, 13 mga Court of Appeals justices ang nag-apply para sa AJ position, habang tatlong Sandiganbayan justices din ang naghain ng aplikasyon.
Samantala, napahayag din ng kagustuhang maging associate justice si Court Administrator Jose Midas Marquez, maging si Davao Regional Trial Court Judge Virginia Tehano-Ang na naunang aksidenteng nag-apply para sa pagka-punong mahistrado matapos mapatalsik si Maria Lourdes Sereno.
Nagsumite rin ng aplikasyon ang kasalukuyang College of Law vice dean ng De La Salle University at dating Ateneo Law School dean.
Samantala, kasalukuyan na ring inihahanda ng JBC ang shortlist ng mga nominado sa pagka-CJ dahil nagretiro si De Castro noong October 10.
Kabilang sa mga pagpipilian sina Acting Chief Justice Antonio Carpio, Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Estela Perlas-Bernabe, at Andres Reyes, Jr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.