Malacañang: Maayos na inflation resulta ng mabilis na aksyon ng gobyerno
Good news para sa Malacañang na hindi na tumaas ang inflation sa bansa sa buwan ng Oktubre.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagbunga ang mga hakbang na isinulong ng Department of Finance kung kaya nanantili sa 6.7 percent ang inflation.
“Apparently, the measures undertaken have affected the inflation rate. We will maintain that”, ayon sa kalihim.
Umaasa ang palasyo na kung hindi man mapapanatili ay maaring tuluyan nang bumaba ang inflation sa mga susunod na buwan.
Malaki sa dahilan ng paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa ay nakasalalay sa global trend ayon pa kay Panelo.
Ilan sa mga inilatag na measures ng Department of finance ang paglalagay ng suggested retail price sa mga pangunahing bilihin, hindi paghihigpit sa pagpasok ng mga imported products, pagbibigay ng pinansyal na ayuda sa sektor ng transportasyon at iba pa.
Nauna dito ay iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-alis sa lahat ng administrative contraints partikular na sa mga agricultural products.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.