PNP tiniyak na nakikipag-ugnayan sa pamunuan ng mga paaralan bago ang drug operations
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na pinaiiral nila ang rule of law sa tuwing magsasagawa ng drug operation sa loob ng mga paaralan at unibersidad.
Sa isang press briefing, sinabi ni PNP Chief, Director Generla Oscar Albayalde na bago sila magsagawa ng anumang operasyon sa loob ng mga pook-aralan ay mayroon muna silang koordinasyon sa school administration.
Dagdag pa ni Albayalde, kung wala naman silang natatanggap na ulat tungkol sa anumang iligal na gawain sa loob ng paaralan ay walang dahilan upang magsagawa ang kanilang hanay ng operasyon dito.
Pagtitiyak pa ng opisyal, bahagi ng institutional policy ng PNP ang pagpapanatili ng karapatang pantao.
Sa katunayan aniya, mayroonf mga training at seminar ang pulisya tungkol sa human rights.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.