Sen. Trillanes, nais tumaas ang night shift pay ng mga manggagawa

By Jan Escosio November 06, 2018 - 04:21 AM

Nasa second reading na ang dalawang panukala sa Senado na magbibigay ng mas mataas na suweldo sa mga kawani
ng gobyerno na sa gabi ang oras ng trabaho.

Ayon kay Sen. Antonio Trillanes IV ang iniakda niyang Senate Bill 1562 at Senate Bill 559 ay layon mabigyan ng bagong
night shift differential at hazards pays ang mga manggagawa.

Aniya sa Senate 1562, gusto niya na hanggang 20 porsiyento ng kanilang hourly rate ang madagdag na night differential
pay sa mga may 10 pm hanggang 6 am work shift, maliban sa mga nasa government hospitals at uniformed service may
sariling salary system.

Samantala, sa Senate Bill 559 naman gusto ni Trillanes na mabigyan ng hazard pay ang mga government workers na
nagta-trabaho sa mga hazardous areas na idineklara ng secretary of national defense at sa mga liblib na lugar.

Gayundin sa mga mental hospitals, kulungan, sa mga imbakan ng mga armas, sa mga eroplano at barko, gayundin sa
mga medical institutions na delikado para sa kalusugan, nakakahawang sakit at radation exposure.

Pagdidiin ni Trillanes maliit na bagay lang ang dagdag sahod kumpara sa sakripisyo at paglalagay sa panganib sa
kanilang sariling kaligtasan na ginagawa ng ilang kawani ng gobyerno.

TAGS: antonio trillanes, night shift, antonio trillanes, night shift

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.