Año, opisyal nang kalihim ng DILG

By Justinne Punsalang November 06, 2018 - 04:50 AM

Palace Photo

Pormal nang nanumpa si retired General Eduardo Año bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ito ay matapos ilang buwang manungkulan bilang officer-in-charge ng ahensya ang dating pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Lunes ng hapon nang manumpa si Año sa harapan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo ng Malacañan.

Enero ngayong taon nang italaga ng pangulo si Año bilang OIC ng DILG, kapalit ni Catalino Cuy.

Hindi agad naging kalihim ng ahensya si Año dahil nakasaad sa Republic Act No. 6975 o DILG Act of 1990 na hindi maaaring ilagay bilang secretary ng alinmang ahensya ng pamahalaan ang isang retirado o nagbitiw na miyembro ng militar o pulisya sa loob ng isang taon ng kanyang pagreretiro o pagbibitiw.

October 2017 nang italaga bilang undersecretary ng DILG si Año matapos nitong maabot ang mandatory retirement age na 56.

TAGS: DILG, eduardo año, DILG, eduardo año

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.