Inakusahan ng telecommunication minister ng Iran ang Israel ng paninagong cyber attack sa kanilang telecommunications infrastructure.
Dahil dito, nangako ang Iran ng legal na aksiyon laban sa Israel sa mga international bodies.
Ayyon kay Telecommunications Minister Mohammad Javad Azari-Jahromi, ang Israel ay may record ng paggamit ng cyber weapon tulad ng Stuxnet computer virus ay naglunsad ng cyber-attack laban sa Iran.
Pinasalamatan ng opsiyal sa Twitter ang kanilang technical teams na gawang maagapan ang nasabing cyber attack.
Samantala, sinabi naman ng deputy ng Telecommunications Minister na si Hamid Fattahi ay mas marami pang detaltye ang ilalabas sa mga susunod pang mga araw kaugnay ng cyber-attack.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.