Early warning device para sa mga calamity prone area isinulong ni Legarda

By Jan Escosio November 05, 2018 - 04:13 PM

Radyo Inquirer

Nanawagan si Senator Loren Legarda sa mga opisyal na maglagay ng early warning system sa mga komunidad na madalas masalanta ng mga kalamidad, lalo na ang mga nasa baybayin.

Kasabay ito nang paggunita ng World Tsunami Awareness Day ngayon araw.

Layon ng kanyang panawagan na makaligtas ang mga mamamayan sa paparating na kalamidad.

Katuwiran ng senadora, hindi man madalas nagkakaroon ng tsunami kumpara sa ibang uri ng kalamidad lubhang mapanganib ito at malaking halaga ng pinsala ang maaring iwan.

Sinabi pa ng mambabatas na napakahalaga ng may sapat kasanayan ang mga lokal na opisyal sa mga lugar malapit sa baybayin para mapaghandaan ang tsunami o storm surge.

Bukod sa mga bagyo, ang Pilipinas ay madalas ring dumanas ng iba pang kalamidad tulad ng pagputok ng mga bulkan at lindol.

TAGS: calamity, early warning device, Legarda, calamity, early warning device, Legarda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.