Sunud-sunod na naramdaman ang anim na malalakas na lindol sa bansang Indonesia ngayong hapon.
Naramdaman ang pinakamalakas na lindol sa magnitude 6.1 sa Richter scale sa karagatan sa layong 81 kilometro sa syudad ng Padang Sidempuan na may populasyon na 200,000 katao.
Natukoy ang epicenter ng lindol sa lalim na 75 kilometro.
Sumunod naman ang ikalawang lindol na may lakas na magnitude 4.8, may 147 kilometro ang layo mula sa Sabang, na may populasyong 150,000 residente.
Sinundan pa ito ng dalawa pang lindol na may magnitude 5.2 at 4.9.
Kaninang tanghali, naramdaman ang isa pang lindol na may lakas na magnitude 4.3 sa 260 kilometro mula sa Saparua, eastern Indonesia.
Pinakahuling lindol naman ay naganap dakong alas 5:24 ng hapon sa Northwest ng Sabang, Indonesia.
Wala pa namang inuulat na pinsala na dulot ng mga naturang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.