Asahan na ng mga motorista ang dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo sa pagpasok ng linggong ito.
May posibilidad na tumaas ng hanggang mula P0.80 hanggang 0.90 sentimos ang presyo kasa litro ng gasolina.
Sa diesel naman asahan na ang pagtaas ng presyo nito bawat litro mula 0.70 hanggang 0.80 sentimos.
Tataas din ng 0.15 hanggang 0.25 sentimos ang presyo ng kerosene bawat litro.
Ang paggalaw pa rin ng presyo ng petroleum products sa pandaigdigang pamilihan ang dahilan ng inaasahang panibagong oil price hike sa mga susunod na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.