Guimbal, Iloilo niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo November 05, 2018 - 11:31 AM

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang bayan ng Guimbal sa lalawigan ng Iloilo.

Naganap ang lindol alas 10:54 ng umaga ng Lunes, Nov. 5 sa 5 kilometers northwest ng Guimbal.

Ayon sa Phivolcs, 3 kilometers lang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Dahil sa nasabing pagyanig naitala ang Intensity IV sa Iloilo City at Intensity II naman sa Cebu City.

Bago ito dalawang may kalasakang pagyanig na ang naitala na kapwa naramdaman sa Iloilo City.

Ito ay ang magnitude 4.7 na naitala sa San Jose, Antique, alas 7:45 ng umaga at ang magnitude 4.0 na lindol sa Sibunag, Guimaras alas 7:46 ng umaga.

TAGS: Guimbal, Iloilo, iloilo city, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Guimbal, Iloilo, iloilo city, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.