Maagang paglabo ng mata, isinisisi sa mga ‘smartphone’

By Jay Dones November 08, 2015 - 07:45 PM

 

Inquirer.net/The Yomiuri Shimbun

Ang paggamit umano ng mga smartphone ay nagdudulot ng maagang paglabo ng mga mata.

Ayon sa Misaki Eye Clinic sa Shibuya Ward ng Tokyo, nadadagdagan ang mga kaso ng paglabo ng mata ng mga nasa edad na 20 hanggang 30 taong gulang sa Japan na tinatawag na ‘smartphone-induced presbyopia’.

Ang ‘presbyopia’ ay ang natural na paglabo ng mata sa tuwing titingin sa mga bagay na malapit na karaniwang nararanasan habang nagkakaedad ang isang tao.

Gayunman, dahil umano sa malimit na paggamit sa mga smartphone na karaniwang may maliliit na LCD screen, napupuwersa ang mata na mag-focus.

Paliwanag ni Mishaki Ishioka, director ng Misaki Eye Clinic sa Shibuya Ward ng Tokyo Japan, dati ay tumatanggap sila ng 3 hanggang 4 na pasyente lamang ng mga may presbyopia.

Ngunit ngayon, nasa 10 hanggang 30 pasyente na ang nagpapatingin sa kanila bawat buwan na kalimitang nasa pagitan ng edad 20 hanggang 30 taong gulang.

Kalimitang idinadaing aniya ng mga pasyente ay ang problema sa pag-focus sa mga bagay na malapit sa kanilang mata.

Dahil aniya sa malimit na strain sa mata sa pagtingin sa mga smartphone, maagang tumitigas ang mga mga muscles sa mata.

Dati aniya, karaniwang nararanasan ng mga taong nasa edad na 40 pataas ang naturang kondisyon, ngunit ngayon ay mas napapaaga nang maranasan ang ‘presbyopia.’

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.