Duterte binatikos ng LP sa pagpapalayas kay Sister Patricia Fox
Kinastigo ni Sen. Francis Pangilinan ang administrasyong Duterte at tinawag pa niya itong duwag.
Sinabi ng pangulo ng Liberal Party na hindi pagpapakita ng mahusay na liderato ng pamahalaan ang ipinamalas ng administrasyon sa pagpapalayas sa 71-anyos na si Sister Patricia Fox.
“Deporting a 70-year-old, ailing nun is not a sign of power and strength. It is a sign of great fear, of cowardice and of weakness,” ayon sa inilabas na pahayag ni Pangilinan.
Binigyang-diin ng mambabatas na takot ang pangulo sa kanyang mga kritiko kaya pinalayas si Fox na umano’y biktima ng mga maling paratang.
Dagdag pa ni Pangilinan, “This administration is deathly afraid of losing its grip on power and so even a 70-year-old, ailing nun critical of government’s abuse must be deported.”
Ngayong araw ay nagtapos ang temporary visa na ibinigay kay Fox makaraang ibasura ng Bureau of Immigration ang missionary visa ng nasabing madre.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos sa Immigration Bureau na palayasin palabas ng bansa ang nasabing Australian missionary dahil sa pakikialam sa mga isyung pulitikal.
Inuugnay rin si Fox sa mga miyembro ng komunistang grupo.
Mamayang alas-nueve ng gabi ay nakatakdang lumipad ang eroplano ng Philippine Airlines na sasakyan ni Fox pabalik sa Melbourne.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.