Bagong telco player pipiliin na sa susunod na linggo
Sa Miyerkules, November 7 ang deadline para sa pagsusumite ng bids para sa mga gustong pumasok sa telecom industry sa bansa.
Nilinaw ni acting DICT Sec. Eliseo Rio na provisional lamang ang ibibibay nilang approval sa mapipiling telco player.
Kailangan pa itong idaan sa post qualification process para malaman kung nasunod nito ang lahat ng mga requirements sa bidding process.
Ipinangako naman ng opisyal na magiging transparent ang gagawing pagpili at ang National Telecommunications Commission ang siyang magsasagawa ng mga kaukulang verification.
Samantala, kabilang sa mga bibigyan ng kunsiderasyon sa pagpili ng susunod na telco player ay kakayang magbigay ng malinaw at maayos na national coverage para sa 40 percent.
Kasama rin sa major criteria ang internet speed nana siyang kakatawan sa 25 percentage point at capital expenditure para sa natitirang 35 percent.
Magugunitang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat sa buwan ng Nobyembre ay may napili na ang pamahalaan na bagong telco player para basagin ang duopoly ng Globe at Smart.
Ang Pilipinas ay nananatiling kabilang sa mga bansa na may mabagal na internet connection at mahinang signal reception pagdating sa cellural service.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.