Nakolektang mga basura sa mga sementeryo, ginagawang kumot at damit ng isang grupo

By Rhommel Balasbas November 03, 2018 - 01:32 AM

Hindi na bago sa mga sementeryo sa bansa ang mga nagkalat na basura tuwing sasapit ang Undas.

Taun-taon din ay isang environmental group ang may magandang layunin na i-recycle ang mga basurang ito para mapakinabangan pa ng tao.

Ang Tzu Chi Foundation ngayong taon ay nakakolekta ng 139 na sako ng plastic bottles na  dudurugin at magiging sinulid para magawang mga damit at kumot.

Sa panayam ng INQUIRER kay Margie Gorospe, isa sa mga volunteers ng Tzu Chi na naka-istasyon sa Manila North Cemetery, ang mga damit at kumot na nagawa mula sa mga plastic ay naipapamahagi nila sa panahon ng kalamidad.

Nagsimula ang grupo noong manalasa ang Bagyong Ondoy sa Metro Manila at mga karatig-lugar taong 2009.

Nangongolekta ang mga volunteers ng Tzu Chi ng mga reusable items sa loob ng walong oras kada araw sa sementeryo.

Ani Gorospe, mayroong grupo ng volunteers na idinedeploy sa mga pangunahing sementeryo sa Metro Manila tuwing Undas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.