Wage order para sa dagdag-sahod sa Metro Manila, iaanunsyo ng National Wages and Productivity Board
Isa na lang ang National Capital Region (NCR) sa iilang mga rehiyon sa bansa na hindi pa nakapagtatas ng sahod ngayong taon.
Ito ang sinabi ng National Wages and Productivity Board kasunod din ng naging pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang lumabas sa balita na P25 lang ang inaprubahang wage increase para sa mga manggagawa sa Metro Manila ay hindi pa opisyal at spekulasyon pa lamang.
Inanunsyo din ng NWPC sa publiko na sa kanilang official Facebook page unang makukuha ang kopya ng wage order na nagsasaad ng aaprubahang taas-sahod para sa Metro Manila workers.
Payo ng NWPC sa mga nag-aabang, sa FB page nila tumutok at huwag makinig sa mga lumalabas na hindi opisyal na balita.
Una nang sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na tatalakayin pa ang aaprubahang wage hike.
Ang mga balita galing sa mga labor group na nagsasabing P25 ang dagdag sahod sa Metro Manila ay pawang spekulasyon pa lang aniya at hindi opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.