Wala pang nag-aaply para makakuha ng bagong fare matrix – LTFRB
Wala pang natatanggap ang LFTRB na mga aplikasyon para makakuha ng bagong fare matrix sa Metro Manila at Region 4 kasabay ng nakatakdang simula ng implementasyon ng dagdag pamasahe sa jeep ngayong Biyernes.
Sa isang statement ay sinabi ng LFTRB na ang mga operator ng mga jeep sa Region 3 ay humiling na ng updated fare rate pero wala pa silang natatanggap na request mula sa jeepney operators mula sa NCR at Region 4.
Una nang sinabi ni LTFRB chairman Martin Delgra na available na noong nakaraang linggo pa ang bagong fare matrix.
Pag nag-resume ang opisina sa Lunes ay saka pa lamang maproseso at makapagbigay ang LTFRB ng update fare matrix.
Dahil dito ay iginiit ng ahensya ang polisiya na “no fare matrix, no fare hike” kahit pa epektibo na ngayong araw ang dagdag pamasahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.