Dating ng mga dalaw sa mga sementeryo sa QC ngayong Nov. 2, matumal pa

By Jong Manlapaz November 02, 2018 - 12:54 PM

Kuha ni Jong Manlapaz

Kumpara kahapon (Nov. 1), mas kakaunti ang bilang ng mga dumadalaw sa iba’t ibang semeteryo sa Quezon City ngayong Biyernes (Nov. 2), kaugnay pa rin sa Undas.

Batay sa report ng Quezon City Police District o QCPD, sa walong sementeryo sa lungsod ay may mga tao pa ring bumibisita pero matumal-tumal pa.

Ang crowd estimate bago magtanghali sa Himlayang Pilipino Cemetery ay 4,000 habang sa Baesa Cemetery, 100 lamang.

Sa Novaliches Cemetery, nasa 800 samantalang sa Bagbag Cemetery ay higit 9,300 ang dumalaw.

Sa Holy Cross Memorial Park, tinatayang 1,800 ang mga indibidwal na pumasok at wala pang isang daan sa Recuerdo Cemetery.

Gayunman, tiniyak ng QCPD na may sapat na bilang ng mga pulis na nakadeloy para sa buong araw hanggang sa weekend dahil maaaring may dadalaw pa rin sa mga libingan.

Pagdating naman sa mga bus terminal, kakaunti rin ang mga pasahero, gaya sa Araneta Bus Station at mga terminal sa kahabaan ng EDSA.

Inaasahang magsisiluwasan ang mga biyahero bukas, araw ng Sabado, at sa Linggo dahil sa Lunes ay balik-trabaho na ang marami sa mga tao.

TAGS: Himlayang Pilipino, Radyo Inquirer, Himlayang Pilipino, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.