LOOK: Mga lansangan na maaapektuhan ng reblocking at repairs ng DPWH ngayong weekend
Magsasagawa ng road reblocking at repairs ang Departmeng of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang bahagi ng C5 at EDSA ngayong weekend.
May iba ring lansangan na apektado ng repairs sa iba pang bahagi n g Quezon City.
Sa abiso ng DPWH, uumpisahan ang reblocking at repairs alas 11:00 ng gabi ng Biyernes, Nov. 1 hanggang alas 5:00 ng umaga Lunes, Nov. 5.
Kabilang sa mga maaapektuhan ang mga sumusunod na kalsada:
– Southbound ng C-5 Road paglagpas ng Lanuza Avenue
– Southbound ng C-5 Road malapit sa SM Aura, 2nd outermost lane
– Southbound ng EDSA Sct. Albano paglagpas ng Sct. Borromeo, 3rd lane mula sa sidewalk
– Northbound ng EDSA bago mag-Oliveros Footbridge sa Globe Master, 2nd lane bago sumalit ng Times St., at UCCP, 1st lane
– Northbound ng Roosevelt Ave. kanto ng Baler St., 1st lane mula sa sidewalk
– Southbound ng West Ave. Baler St. patungong Examiner St., 1st lane mula sidewalk
– Northbound ng Visayas Ave. Road 1 intersection, sa 2nd hanggang 3rd lane mula sidewalk
– Commonwealth Ave. malapit sa Pedestrian footbridge at malapit sa Jocfer Bldg. at sa Commonwealth malapit sa N. Zuzuaregui St.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.