Kalahating tonelada ng recyclables nakulekta ng Tzu Chi Foundation sa Manila North Cemetery
Puro plastic gaya ng pabalat sa mga chichirya at plastic bottles ang pinakamarami sa mga nakolektang recyclables ng Tzu Chi Foundation sa loob ng Manila North Cemetery.
Ayon kay Julie Collardo na isa sa mga volunteers ng Tzu Chi, sa huli nilang datos hanggang kahapon ng hapon, nasa 512.95 kilos o mahigit kalahating tonelada na ang kanilang nakolekta.
Nakolekta ang mga basura mula Huwebes ng gabi hanggang madaling araw ng Biyernes.
Ayon kay Collado, bukod sa mga nagdo-donate at kusang nagdadala ng kanilang recyclables ay nag-iikot din ang kanilang mga volunteers sa Manila North Cemetery upang kumuha ng mga nakakalat na plastic, bote, at iba pa.
Dadalhin ang mga basura sa pinakamalapit nilang recycling center sa Sta. Mesa, Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.