Kurapsyon at smuggling sa Customs, pinatatanggal kay Commissioner Guerrero

By Len Montaño November 02, 2018 - 12:25 AM

Tanggalin ang kurapsyon at smuggling sa Bureau of Customs at mangolekta ng mas mataas pa sa P55 billion na import duties at ibang buwis kada buwan sa susunod na taon.

Ito ang malinaw na marching orders ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay bagong Customs Commissioner Rey Guerrero.

Ayon kay Dominguez, pinag-usapan nila ni Guerrero na ipatupad ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad na mawala sa BOC ang katiwalian at smuggling partikular ng droga.

Gayundin ang maabot ang target na koleksyon na average na P55 billion kada buwan para sa 2019.

Tinanggap anya ni Guerrero ang hamon ng bago nitong trabaho at kumpyansa ang kalihim sa abilidad ng bagong BOC chief.

Nakaatang sa BOC na mangolekta ng P598 billion ngayong taon at sa susunod na taon ay P670 billion.

Hanggang sa pagtatapos ng Oktubre, nasa P481 billion ang nakolektang buwis ng BOC, mas mataas ng 3.2% sa target na P466.7 billion para sa unang sampung buwan ng 2018.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.