PNP nagbabala sa “ATM” post sa social media

By Isa Avedaño-Umali November 01, 2018 - 06:42 PM

Pinayuhan ng Philippine National Police o PNP ang publiko lalo na ang adik sa social media na iwasan ang pagpo-post ng “ATM” o At The Moment, ngayong panahon ng Undas o sa kahit anong pagkakataon.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Benigno Durana Jr., mistulang nag-imbita ka ng kapahamakan o ng mga kriminal para gumawa ng masama o manamantala gaya ng Akyat-Bahay.

Sinabi ni Durana, huwag nang magpost ng ATM photos o mga ganap, lalo’t parang pagyayabang lamang ang dating nito.

Tulad na lamang aniya ng pagpopost ng ATM na nasa Boracay o El Nido, pero ang hindi alam ng mga tao ay maaaring may nakatutok sa social media nito at nag-aabang lamang ng tiyempo.

Ani Durana, mainam pa siguro kung “late post” na lamang ang gawin ng publiko upang maiwasan ang pagsalakay ng mga kriminal.

Samantala, sinabi ni Durana na wala pang untoward incidents na nairereport sa PNP kaugnay sa paggunita sa Undas 2018.

Hindi lamang aniya ito sa mga sementeryo kundi sa mga terminal, pantalan at maski mga pasyalan gaya ng malls.

TAGS: at the moment, durana, facebook, PNP, social media, at the moment, durana, facebook, PNP, social media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.