Mahigit 400 na trabaho naghihintay sa mga Pinoy workers sa flag carrier ng Kuwait
Kukuha ng 459 na mga Filipino workers ang flag carrier ng Kuwait na Kuwait Airways.
Ayon kay Sathbi Salah al-Sheeha, talent acquisition manager ng Kuwait Airways, highly skilled people, highly committed at hardworking ang kanilang kailangan.
Sa pagbubukas ng Kuwait Airways Terminal 4 kamakailan ay mangangailangan sila ng dagdag na manggagawa.
Sa ngayon mayroon nang mahigit 400 na mga Pinoy ang nagtatrabaho sa Kuwait Airways.
Kabilang sa kakailanganing trabaho ay traffic officer, assistant traffic officer, assistant load control, assistant cargo officer, cargo operator, cargo coordinator at baggage sorter.
Darating sa bansa ang recruitment team ng
Kuwait Airways ngayong linggo para mag-interview ng mga aplikante mula November 4 hanggang November 15.
Paalala naman ni Assistant Labor Attache Teresa Olgado ng Philippine Overseas Labor Office, sa mga nais na mag-apply dapat tiyakin na sa tama at lisensyadong ahensya sila makikipag-ugnayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.