Pang. Duterte isinantabi ang pagbisita sa puntod ng magulang; mga nabiktima ng bagyo uunahing dalawin

By Chona Yu November 01, 2018 - 11:42 AM

Uunahin na muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbisita sa mga nasalanta ng bagyong Rosita sa Mountain Province at Isabela kaysa sa pagbisita sa puntod ng kanyang mga magulang sa Davao City.

Ayon kay dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go, mas prayoridad ng pangulo na malaman ang kalagayan ng mga nabiktima ng bagyo.

Kasabay nito sinabi ni Go na panahon na para magkaroon ng maayos na mga evacuation center sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Go, mahirap ang walang maayos na evacuation center at sa katunayan ay makailang beses na itong napatunayan kabilang na ang pagkakadisgrasya ng mga inililikas.

Ilang ulit na aniyang nangyari na sa halip na maging ligtas sa pinaglikasang lugar ay nabibiktima pa ang mga ito ng landslide tulad ng nangyari sa Itogon Benguet at itong huli ay sa Mountain Province.

TAGS: Radyo Inquirer, Rosita, Radyo Inquirer, Rosita

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.