First appearances ni Regine Velasquez sa ABS-CBN, wagi sa ratings
Mainit na tinanggap ng publiko ang unang paglabas ni Regine Velasquez sa mga shows ng ABS-CBN.
Noong Linggo, October 28, ipinalabas na ang ‘ASAP Live in Sydney’ kung saan unang beses na bumirit ang Asia’s Songbird para sa naturang variety show bilang isang Kapamilya.
Ipinalabas na rin ang unang guesting ni Velasquez sa ‘Gandang Gabi Vice’.
Sa post ng singer sa Instagram, ibinahagi nito ang datos mula sa Kantar Media kung saan parehong pinataob ng ASAP at GGV ang mga katapat na programa.
Dahil dito, lubos ang pasasalamat ni Velasquez sa mga tagasuporta.
Hinimok niya ang mga ito na panoorin ang ikalawang bahagi ng kanyang first appearances ngayong darating na Linggo.
View this post on Instagram
Thank you #ASAPFamily Thank you #GGV Thank you kapamilya😊 This week uli guys 😊 To GOD be the Glory
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.