Rhian Ramos, JM de Guzman co-producers ng pelikulang “Kung Paano siya Nawala”

By Josh Mercado-Wow It's Showbiz October 31, 2018 - 03:29 PM

Sa unang pagkakataon ay magsasama sa pelikulang “Kung Paano siya Nawala” ang Kapuso actress na si Rhian Ramos at ang Kapamilya actor na si JM de Guzman, directed by Joel Ruiz.

Produced ng TBA Studios at co-producers naman ang dalawang bida. Kwento ng Kapuso actress, excited sya na mapanood ng mga tao ang kanilang pelikula ni JM.

Puring-puri ng leading lady ang kanyang leading man. Magaling na aktor si JM, pahayag ng co-producer. Mabilis aniya syang naging kumportable sa Kapamilya actor.

Ani Rhian gusto nilang mag-explore pareho, hindi lamang bilang artista, pati na rin bilang isang producer. Hindi natatakot ang sexy actress at hot actor sa kung ano ang magiging resulta ng pelikula.

Ang mahalaga raw ay maganda ang materyal at talaga namang kakagatin ng mga manonood.

Ready na rin ang actress na mag-aral sa New York ng “improvisation” upang mas lalo pang mahasa ang kanyang galing sa pag-arte.

Naging maluwag ang GMA sa desisyong iwanan muna nya ang network habang naghahanda sa kanyang pag-aaral sa nasabing bansa.

Independent living ang peg ng leading lady ng “Kung Paano Sya Nawala” once na nasa ibang bansa na sya.

Tapos na rin ang serye ni JM sa ABS-CBN. Inaabangan ng fans ang susunod na serye ng actor sa Dos.

Showing na ang pelikula sa November 14.

 

 

TAGS: jm de guzman, kung paano siya nawala, rhian ramos, jm de guzman, kung paano siya nawala, rhian ramos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.