Militarisasyon sa BOC, sinagot ng bagong customs commissioner

By Ricky Brozas October 31, 2018 - 01:04 PM

Kuha ni Ricky Brozas

Idinipensa ng bagong customs commissioner ang sinasabing pagsasailalim sa militarsiasyon ng buong kawanihan dahil sa talamak na problema ng kurapsyon sa Bureau of Customs.

Sa kauna-unahang press briefing ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero matapos ang isinagawang turnover ceremony sa Port Area.

Binigyang-diin ni Guerrero na isa naman na siyang sibilyan at magiging suporta lamang ang tropa ng AFP.

Ayon kay Guerrero, pag-aaralan pa ang magiging deployment ng mga sundalo na pipiliin base sa kanilang integridad at kalayahan.

Ayaw na munang idetalye ni Guerrero kung paano ang magiging diskarte niya sa pamamalakad ng buong kawanihan na nababalot ng kontrobersiya nang kurapsyon.

Tumanggi na rin muna itong sabihin ang kanyang plano kung paanong maiiwasang malusutan ng shipment ng iligal na droga.

Pero tiniyak ng opisyal na magiging on top of the situation siya para hindi mapaikutan ng mga kawatan sa BOC.

TAGS: BOC, guerrero, lapeña, BOC, guerrero, lapeña

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.