EO na bubuhay sa barter trade system inilabas ng Malakanyang
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 64 na lilikha sa Mindanao Barter Council.
Dahil sa EO bubuhayin ang matagal nang barter system sa Mindanao o ang ancient commercial practice sa pamamagitan ng pagtatatag ng council na mapapasailalim sa pangangasiwa ng Department of Trade and Industry o DTI.
Nakasaad sa EO na maglalagay ang DTI ng ng principal office sa Jolo, Sulu.
Kasama sa itinatakda ng EO ang pagtatatag ng barter ports sa Suasi, Jolo at Bongao sa Tawi-Tawi na subject for approval naman ng pangulo.
Tanging mga negosyante na nakatugon lamang sa mga requirements ang papayagan na makakapag-labas masok ng mga export at imported goods gamit ang barter ports na matatagpuan sa mga nabanggit na mga lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.