BDO may system maintenance sa Linggo; E-banking 10 oras na hindi magagamit
May isasagawang regular system maintenance services ang Banco De Oro sa kanilang electronic banking sa Linggo, November 4.
Ayon sa BDO, tatagal ng 10 oras ang maintenance activities.
Mula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 10:00 ng umaga ng Linggo, Nov. 4 hindi magagamit ang personal, mobile at phone banking gayundin ang BDO Nomura.
Dahil dito, inabisuhan ng BDO ang publiko na kung mayroon silang bank transaction na gagawin sa pamamagitan ng electronic banking ay gawin na ito ngayong araw hanggang sa Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.