BDO binalaan ang mga kliyente sa pekeng e-mail na nagpapa-verify ng account
By Dona Dominguez-Cargullo October 31, 2018 - 07:04 AM
Inalerto ng Banco De Oro ang kanilang mga kliyente sa pekeng emails na nagpapa-verify ng account.
Ayon sa BDO, ang email ay ipinadadala sa mga kliyente na mayroong “verify now” link.
Sa sandaling iclick ito ay ma-aaccess ng mga nasa likod ng pekeng email ang personal data ng kliyente.
Payo ng BDO, sa sandaling makatanggap ng nasabing email ay agad itong i-forward sa [email protected] at saka burahin.
Mas mabuti rin kung maipopost ito sa social media account para mas maabisuhan ang marami.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.