Ilan sa mga manggagawa ang lumuwas na patungo sa mga lalawigan para gunitan ang Undas.
Ngunit ilan din ang namalagi sa kanilang mga lugar para magtrabaho kahit na holiday.
Dahil dito, nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kumpanya na sumunod sa pay rules ngayong November 1 at 2 na parehong idineklarang special non-working holidays.
Ayon sa DOLE, 30 percent ang dagdag sa daily rate ng mga manggagawa na papasok ngayong Undas.
Kung ang manggagawa ay isang minimum wage earner o nakakatanggap ng P512, may dagdag itong P153.60 pesos bukod pa sa cost of living allowance o COLA na nasa P10 hanggang P20.
Ang mga empleyado naman na magoovertime ay kailangang bayaran ng dagdag na 30 percent sa kanyang hourly rate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.