Drug suspek patay sa loob ng kanyang bahay matapos manlaban sa pulis-Bulacan

By Justinne Punsalang October 31, 2018 - 04:07 AM

Contributed photo

Dead on the spot ang isang lalaking drug suspek matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Barangay Gaya-gaya sa lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan.

Kinilala lamang ang napatay na drug suspek sa alyas na Noel.

Ayon sa mga pulis, nagsagawa sila ng buy bust operation laban kay alyas Noel gabi ng Martes.

Sa kalagitnaan ng operasyon ay nakatunog ang suspek na pulis pala ang ka-transaksyon.

Agad itong tumakbo papasok sa kanyang bahay kung saan sinundan siya ng pulisya.

Bago pa makalapit ang mga otoridad ay bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis na silang gumanti ng putok.

Tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ni alyas Noel.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre .38 revolver at isang sachet ng shabu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.