Lineup ng Gilas para sa FIBA qualifiers ilalabas sa susunod na linggo

By Justinne Punsalang October 31, 2018 - 12:17 AM

Nakatakdang pangalanan ni Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao ang mga manlalarong bubuo sa koponan ng bansa para sa FIBA World Cup Asian qualifiers sa darating na linggo.

Magaganap ang reveal sa isasagawang meeting ni Guiao kasama ang mga PBA Board of Governors sa Martes.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, interesado ang board na makilala ang lineup at malaman ang program at practice na ihahanda ni Guiao.

Kabilang sa mga inaasahang makakasama sa koponan sina June Mar Fajardo at Greg Slaughter na kapwa hindi nakasama noong nakaraang qualifiers dahil sa injury.

Sa November 30 magaganap ang unang laban ng Pilipinas kontra sa koponan ng Kazakhstan na isasagawa sa Mall of Asia Arena. Susundan naman ito ng tapatan kontra Iran sa December 3.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.