Panelo: Militar magbabantay lang laban sa katiwalian sa BOC

By Chona Yu October 30, 2018 - 05:06 PM

Nilinaw ng Malacañang na walang military takeover na gagawin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Bureau of Customs (BOC) kundi magsisilbing gwardiya at panakot lamang ang mga sundalo sa mga tiwaling tauhan ng kagawaran.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi naman itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo bilang mga regular na empleyado ng BOC.

Kambyo pa ni Panelo, ang mga kawani pa rin ng mga BOC ang mag-aasikaso sa mga trabaho lalo na sa mga paperworks o bayarin sa usapin ng buwis.

Ipinaliwanag ng kalihim na iba kasi ang dating kung mayroong presensya ng mga sundalo sa mga kawani ng BOC na gumagawa ng mga ilegal na aktibidad.

Nanindigan pa si Panelo na walang nilalabag na anumang batas ang pangulo dahil may nagaganap na lawlessness sa BOC kung kaya tinawag ang presensiya ng AFP.

Ayon sa opisyal, kapag sinabing lawlessness ay hindi nangangahulugan na sa bayolenteng pamamaraan lamang kundi maaring sa pamamagitan ng korupsyon gaya nang nangyayari ngayon sa hayan ng ilang opisyal ng Customs.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na maiging hintayin ng mga kawani ng BOC ang ipalalabas na memorandum order ni incoming Customs Commisioner Rel Leonardo Guerrero para sa kanilang status sa trabaho.

Habang wala ang memorandum ay sinabi ng tagapagsalita ng pangulo na maiging manatili ang mga kawani sa kanilang pwesto.

TAGS: AFP, customs, duterte, panelo, AFP, customs, duterte, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.