Customs executive na isinangkot sa drug smuggling ililipat na sa NBI

By Jan Escosio October 30, 2018 - 03:58 PM

Inquirer file photo

Inanunsyo na ni Senator Dick Gordon, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee ang paglipat ng kustodiya ni Customs intelligence officer Jimmy Guban sa National Bureau of Investigation (NBI).

Magugunita na tinabla ni Gordon ang utos ni Pangulong Duterte kay Philippine National Police Chief Oscar Albayalde na arestuhin si Guban pagkatapos ng pagharap nito sa pagdinig sa Kamara.

Katuwiran noon ni Gordon pipigain pa niya si Guban sa mga detalye ng pagkakapuslit ng P11 Billion na halaga ng shabu sa Cavite gamit ang magnetic lifters.

Una na rin sinabi ng senador na nais niyang mapasailalim sa Witness Protection Program ng DOJ si Guban dahil sa mga pagbubunyag nito ukol sa shabu smuggling.

Sinabi ni Gordon na ipapaalam din ni kay Albayalde ang paglipat sa NBI ni Guban bilang kurtesiya sa hepe ng pambansang pulisya.

Si Guban ay isinasangkot rin sa ilang kaso ng katiwalian sa loob ng Bureau of Customs.

TAGS: Blue Ribbon, customs, drug smuggling, duterte, jimmy guban, magnetic lifters, NBI, Senate, Blue Ribbon, customs, drug smuggling, duterte, jimmy guban, magnetic lifters, NBI, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.