Halos 2,000 pasahero stranded sa mga pantalan dahil sa Bagyong Rosita
Tinatayang aabot sa dalawang libong mga pasahero ang stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong Rosita.
Sa datos ng Philippine Coast Guard, as of 4:00AM kanina, nakapagtala ng 1,927 na mga stranded na pasahero sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Sa Verde Island Port sa Batangas nakapagtala ng pinakamaraming stranded na pasahero na umabot sa 1,492.
Sa Port of Lucena naman mayroong 278 na mga pasaherong stranded.
Maliban sa mga pasahero, mayroon ding stranded na 189 na mga rolling cargoes, 11 barko at 1 motorbanca.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.