Pilipinas, China nakatakdang pumirma ng 3 kasunduan para sa joint exploration sa WPS
Nakatakdang pirmahan ng Pilipinas at China ang tatlong kasunduan para sa joint exploration sa West Philippine Sea.
Inanunsyo ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos ang pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese Foreign Minister Wang Yi sa Davao City.
Gayunman ay wala nang ibinigay na ibang detalye si Panelo ukol sa kasunduan ng Pilipinas at China.
Sinasabing nakatakdang pirmahan ng dalawang bansa ang framework para sa joint exploration sa West Philippine Sea na bahagi ng South China Sea.
Noong Agosto ay sinabi ng Malakanyang na posibleng pirmahan na ang kasunduan anumang oras o bago ang pagbisita sa Pilipinas ni Chinese President Xi Jinping.
Nakatakda ang pagbisita ni Xi bago matapos ang 2018 o matapos itong dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Nobyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.