400 pulis magbabantay sa Manila North Cemetery

By Ricky Brozas October 29, 2018 - 12:08 PM

File Photo

Tinatayang 400 pulis ang ipakakalat ng Manila Police District (MPD) para magbantay sa Manila North Cemetery sa Undas.

Ayon sa MPD, nagsimula na ang kanilang skeletal deployment ngayong araw ng Lunes, Oct. 29.

Pero ang full deployment ay kanilang itatalaga sa October 31, ala 6:00 ng umaga.

May aalay din sa MPD na tinatayang 500 force multipliers na kinabibilangan ng mga tanod, gwardiya ng Manila North Cemetery at mga communication group.

Wala namang namomonitor na banta sa seguridad ngayong Undas ang MPD.

Noong nakalipas na taon, umabot umano sa dalawang milyon ang mga dumagsa dito sa Manila North Cemetery magmula October 29 hanggang November 2, 2017.

Para rin makatulong sa pagtiyak ng seguridad, hindi bababa sa 30 CCTV camera ang ikinabit sa ibat ibang mga lugar sa loob ng Manila North Cemetery.

TAGS: Manila North Cemetery, MPD, Radyo Inquirer, Undas, Manila North Cemetery, MPD, Radyo Inquirer, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.