Typhoon Rosita bahagyang humina; Signal #3 itinaas na sa tatlong lalawigan

By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2018 - 11:34 AM

Bahagyang humina ang bagyong Rosita habang ito ay papalapit na sa kalupaan ng Isabela o Aurora.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, ang Typhoon Rosita ay huling namataan sa 410 kilometers east ng Casigura, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong west southwest sa bilis na 20 kilometers bawat oras.

Itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signals sa mga sumusunod na lugar:

Signal #3
Isabela
Northern Aurora
Quirino

Signal #2
Cagayan
Nueva Vizcaya
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Tarlac
Nueva Ecija
Northern Quezon including Polillo Island
Southern Aurora

Signal #1
Apayao
Ilocos Norte
Batanes & Babuyan Grp. of Is.
Zambales
Bataan
Pampanga
Bulacan
Metro Manila
Cavite
Laguna
Batangas
Rizal
Southern Quezon
Camarines Norte

Ayon sa PAGASA, ang mga lugar na nakasailalim sa signal number 2 at 3 ay makararanas na ng masungit na panahon.

Sa Miyerkules inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.

TAGS: Pagasa, Rosita, Typhoon, weather, Pagasa, Rosita, Typhoon, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.