Pang. Duterte naka-monitor sa bagyong Rosita

By Chona Yu October 29, 2018 - 10:21 AM

Personal na tinutukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hagupit ng bagyong Rosita na ngayon nagbabadyang manalasa sa Northern Luzon.

Ayon sa pangulo, nagtawag na siya kagabi sa mga local officials para alamin ang kahandaan ng mga ito.

Nais ng pangulo na tiyaking handa ang pamahalaan sa pagresponde sa pangangailangan ng mga residenteng dadaanan ng bagyo.

Kasabay nito, binalaan ng pangulo ang Commission on Audit o na huwag nang makialam sa kung paano gagamitin ang resources ng gobyerno sa gitna ng gagawin nitong pagtugon sa panahon ng kalamidad.

“And I should be there during typhoons, there is one coming. I’ll make my call — my round of calls tonight. Ayaw ko ‘yung gagamitin ‘yung pera, ‘yun lang naman,” ayon sa pangulo.

Inihayag ng Pangulo na hindi siya makapapayag na dahil lamang sa circular ng COA hinggil sa paglalabas ng pondo sa panahon ng kalamidad ay mababalam ang paghahatid ng tulong sa mga maaapektuhan ng paparating na bagyo.

Punto pa ng Pangulo, nais niyang matiyak na maibibigay ang tulong ng pantay-pantay at hindi lang sa mga pili na karaniwanan ay mga pulitiko lang ang nagdedetermina kung sino ang mabibigyan.

“Because sabi nilang COA Circular. P***** i**. Itong COA na bwisit na ito, eh kung gusto ninyo magpatakbo eh opisina ninyo. You are independent constitutionally — huwag kang makialam how I do it. Kasi may circular daw, ganito. Tawagan mo ‘yung COA dito, papuntahin mo dito. L***** ‘yan. Making it hard,” dagdag pa ng pangulo.

TAGS: Radyo Inquirer, Typhoon Rosita, weather, Radyo Inquirer, Typhoon Rosita, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.