6 COA officials sibak dahil sa P25M bonus

By Den Macaranas November 07, 2015 - 07:08 AM

Ombudsman1
Inquirer file photo

Sinibak sa puwesto ng Office of the Ombudsman ang ilang mga opisyal ng Commission on Audit at Local Water Utilities Administration (LWUA) dahil sa pagtanggap ng malaking bonuses mula taong 2006 hanggang 2010.

Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na hindi makatwiran at labag sa batas ang halos ay P25Million na bonus na ibinigay ng LWUA sa ilang COA officials na naka-talaga sa kanilang tanggapan.

Bukod sa pagkakasibak sa pwesto ay forefeited na rin ang lahat ng mga benepisyo at hindi na rin pwedeng magtrabaho sa kahit saan mang pwesto sa pamahalaan ang mga kinasuhang opisyal ng COA at LWUA.

Kabilang sa mga sinaibak ay ang mga state auditors na sina Juanito Daguno Jr, Proseso Saavedra, Teresita Tam, Corazon Cabitage, Evangeline Sison, Vilma Tiongson at ang mga data machine operators na sina Violeta Gamil at Roberto Villa.

Nahaharap naman sa kasong simple misconduct ang mga LWUA executives na sina Lorenzo Jamora, Wilfredo Feleo, Orlando Hondrade at Daniel Landingin.

Anim na buwang suspension without pay ang ipinataw na parusa para sa mga LWUA officials.

Nabatid ng Ombudsman na binigyan ng mga LWUA officials ang mga tauhan ng COA ng bonuses na aabot sa P25M mula 2006 hanggang 2010 na hinati sa kada P140,000 sa bawat buwan.

TAGS: COA, LWUA, ombudsman, COA, LWUA, ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.