Mga turista pinag-iingat ng Boracay police sa mga masasamang loob

By Justinne Punsalang October 29, 2018 - 03:07 AM

Hinimok ng Boracay police ang mga turista sa isla na mag-ingat.

Ito ay kasunod ng isang insidente kung saan ninakawan ang dalawang dayuhang turista sa loob mismo ng hotel na kanilang tinutuluyan.

Ayon kay Chief Inspector Bryan Gregorio, deputy spokesperson ng Western Visayas police, hindi sapat na umasa ang publiko sa police visibility dahil naroon pa rin ang intensyon ng mga kawatan na makaisa.

Aniya pa, bagaman binabantayan ng pulisya ang mga strategic na lugar sa isla ay hindi naman nila mamomonitor ang bawat isang turista.

Ngunit pagtitiyak ng opisyal, hindi na nila hahayaan pang muling magkaroon ng pananalisi at pagnanakaw sa Boracay.

Aniya, nakakahiya ito lalo na’t kabubukas pa lamang ng isla ngunit mayroon nang ganitong insidente.

Payo ni Gregorio sa mga turista, huwag magpakampante at manatiling alerto sa mga magnanakaw.

Aniya pa, kasabay ng pagbabantay ng mga pulis ay dapat ding i-secure ng mga turista ang kanilang mga gamit upang hindi maisahan at magkaroon ng oportunindad ang masasamang loob.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.